Sangkot sa ‘palpak’ na Yolanda housing mananagot
September 3, 2017 at 12:00:29 am
By Tina Mendoza
Tiniyak ng dalawang komite ng Kamara na may mananagot sa nadiskubreng mga palpak at substandard na pabahay sa mga Yolanda victims matapos umamin mismo ang subcontractor na tinipid ang mga itinayong housing projects.
Kapwa tiniyak nina House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na tumatayong Chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na magkakaroon ng malalimang imbestigasyon sa Yolanda housing projects at lahat ng nagpabaya at nagsamantala para sa personal na interes ay kanilang pananagutin sa batas.
Ang pahayag ay ginawa ng dalawang mambabatas matapos lumitaw sa kanilang inisyal na inspeksyon at imbestigasyon sa estado ng housing projects para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda na palpak ang mga itinayong pabahay partikular sa Balangina, Eastern Samar.