Error message

  • Deprecated function: The each() function is deprecated. This message will be suppressed on further calls in menu_set_active_trail() (line 2404 of /home3/albee/public_html/includes/menu.inc).
  • Notice: Trying to access array offset on value of type int in element_children() (line 6570 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).
  • Notice: Trying to access array offset on value of type int in element_children() (line 6570 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).
  • Deprecated function: implode(): Passing glue string after array is deprecated. Swap the parameters in drupal_get_feeds() (line 394 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).

Totohanang pabahay




September 1, 2017
Written by Allan Encarnacion

Hala bira!

HABANG lumilipas ang panahon, lumulubha ang problema ng bansa sa kakulangan ng pabahay.

Ang datos noong dalawang taon ang nakakaraan, nasa 5 milyon lamang ang housing backlogs pero ngayon, ang updated numbers ay nasa 6.8 million na.

Ibig sabihin, kung hindi talaga haharapin ng estado ang problema ng squatting, mas tataas pa ang bilang nito sa mga susunod na taon.

Sa ilalim ng Pangulong Duterte na matindi ang political will, naniniwala tayo na sakto at napapanahon ang panawagan ni House committee on housing and urban development chairman, Negros Occidental Congressman Albee Benitez na tayuan na lamang ng pabahay ang nakatiwangwang na 3,419 ektarya ng government lots sa Metro Manila.

Angkop ang ganitong panawagan, lalo na’t ikinukunsidera ng Duterte administration ang pagbuo ng Department of Human Settlement para tugunan ang paglago ng squatters colony.

Pasintabi lang po, sa totoo lang, kapag hindi natin na-address ang squatting problem ng bansa, mahihirapan tayong lutasin ang matinding krimen, ang pagkalat ng mga batang hamog, ang pagdami ng mga basura at iba pang social menace.

Hindi natin inilalahat subalit masakit man tanggapin, ang maraming problema sa kalsada ay nagmumula sa mga batang walang maayos na tahanan.
    
Iyong mga batang pagala-gala ay karaniwang nagiging magnanakaw, sumisinghot ng rugby, ginagamit na akyat-bahay, mga bukas-kotse at minsan ay nagiging delivery boy pa ng droga.
    
Ang sinasabi ni Congressman Benitez na paglulunsad ng massive as is, where is housing scheme sa pagsasaayos ng  squatters ang nakikita nating ultimate solution sa maraming sakit ng ulo ng estado.
    
Hindi pa nagkaroon ng totohanang socialized housing program ang estado matapos ang pagkabuwag ng Ministry of Human Settlement ng Marcos government na nakapagtayo ng mga Bliss Housings, mga Teachers’ Village, Soldiers Hills, Veterans Village at iba pang katulad nito.
    
Lahat ng nakaraang gobyerno ay puro lip service lang ginawa kaya humantong sa sukdulan ang problema natin sa pabahay.
    
Tiyansa na rin ng Duterte administrasyon na maisulong ang makatotohanang pabahay program dahil agresibo si Congressman Benitez na tularan ang kanyang yumaong ama na si Jolly Benitez na Deputy Minister ng Human Settlement noong Marcos administration.

Ang matandang Benitez ang naging instrumental sa epektibong housing program ng Marcos government at ito ang nakikita natin na magiging pattern ni Congressman Albee sa kanyang plano sa  informal settlers.
    
Sa pagsusulong ng tunay na pabahay, dapat ay tutukan din ng estado ang sindikato ng squatters na gumagamit sa mga mahihirap para hindi magtagumpay ang plano.
    
Sila iyong paulit-ulit na beneficiaries ng housing projects pero ipinagbibili ang rights para muling mag-squat sa mga bangketa at sa ilalim ng tulay kaya hindi natatapos ang problema sa pabahay.