Cong. Albee Benitez on OFW Victims
Nakakalungkot ang nangyari sa ating mga kababayan na sina Josie at Joanna, na parehong taga-Visayas. Sumasangayon po tayo sa isinagawang pag-ban ng gobyerno para sa deployment ng mga OFW sa Kuwait sapagkat walang batas ang pumoprotekta sa ating mga kababayan sa bansang ito. Hanggang wala pa pong malinaw na panukalang batas na poprotekta sa ating mga kababayan ay 'wag na po muna natin sila ipadala doon.
Ako po ay saludo sa mga Pilipinong OFW na nagpupunta sa ibang bansa upang magsakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Bigyan po natin sila ng karangalan at wastong proteksyon. Sa mga kumpanyang nagpapadala sa ating mga OFW, ingatan po natin at siguraduhin na ligtas sila sa lahat ng bagay.
Click on image below to play the video clip